|
Pangalang Ingles Pangalang Ingles Inulat ko na marami sanang kailangang caregiver at nurse sa America, Australia at Europe. Maraming pasado sa qualifying exam pero bagsak sa Ingles. Kasi, bihasa ngang mag-Ingles ang Pinoy pero sa kapwa-Pinoy din. Hindi nila maintindihan ang Ingles ng Kano o Australian o British. Totoo nangyari ito sa Pinoy caregiver ng Canadian. Bago pumasok sa silid, nagbilin ang amo. Ang dinig ng Pinoy ay "supda chicken." Inisip niya mabuti kung ano'ng ibig sabihin. A, nakuha na niya. Nilabas ang frozen na manok sa freezer at sinabon sa lababo. "Soap the chicken" nga naman. Nagalit ang amo sa nakita. Utos niya kasi ay "soup the chicken," gawing sabaw ang manok. Iba-iba kasi ang pandinig at pagbigkas ng Tagalog, Bisaya, Ilokano atbp. sa wikang Ingles. Sanay sila sa sariling wika at ini-interpret ang Ingles batay dito. Dapat, aralin ang Ingles sa salitang Ingles din. May mga Pinoy na sa tagal na sa America ay parang Kano na rin mag-Ingles. Nag-a-apply ng citizenship. 'Yung iba nagpapalit ng pangalan para tunog Ingles na rin. Halimbawa, si Gregorio Talahib ay naging George Bush, si Tomas Cruz naging Tom Cruise, si Bienvenido Macario naging Ben Hur, si Macario Donato naging Mac Donald. Ilan pang nagpalit: Remegio Batungbacal, Remington Steel; Vicky Malihim, Victoria Secret; Eleuterio Ignacio, Electronic Ignition; Esteban Magtaka, Stevie Wonder; Federico Hagibis, Federal Express; Casimiro Bucaycay, Cashmere Bouquet; Leon Mangubat, Tiger Woods; Juanito Lakarin, Johnny Walker; Burgos Bahag-hari, Burger King. Gusto mo pa? O sige, heto: Topacio Mamaril, Top Gun; Diosdado Durante, Deo Dorant; Roberto Contrales, Bert Control; Marcelo Contrales, Muscle Control; Julia Domingo, Holy Sunday; Maria Pascua, Merry Christmas; Ligaya Añonuevo, Happy New Year; Ligaya Almundo, Joy to the World. ©Copyright 2002-2003 ZambalesForum (ZF) discussion group members. All rights reserved. Disclaimers |
||
|
Our Cover Page | A Message from John Reyes | Zambales | Table of Contents | Palayok ni Neneng | Sistehan | Bahay ng Duwende | Doon po sa Amin | Mga Kuwentong Cowboy | Pista sa Nayon | The Way We Were | Links | Guest book |
||